Bridge your asset to another EVM network - English
Ito ang iyong gabay upang malaman mo kung paano i-bridge ang asset mo mula sa isang network papunta sa ibang network.
Upang makuha ang iyong $PIU, kailangan mong magkaroon ng ETH sa Base network na gagamitin mo for fees.
Upang makasali sa Pike Community Presale, kailangan mong magkaroon ng ETH pang-gas at ng USDC/USDT bilang contribution. (kailangan mo silang parehas sa isang network)
*Tanging aktwal na USDC/USDT lamang ang tinatanggap (hindi ang bridged USDC, tulad ng USDC.e)
Unang Hakbang: (Gagamitin ang Wormhole Portal bilang halimbawa):
- FROM: Pindutin ang ‘Select network’ para piliin kung saang network MANGGAGALING ang iyong asset.
- TO: Pindutin ang ‘Select network’ para piliin kung saang network MAPUPUNTA ang iyong asset.
Pangalawang Hakbang:
- FROM: Pindutin ang ‘Connect wallet’ para piliin kung anong address ang PANGGAGALINGAN ng iyong asset.
- TO: Pindutin ang ‘Connect wallet’ at piliin kung anong EVM address ang PATUTUNGUHAN ng iyong asset. (gumamit ng EVM wallet sa pag-connect tulad ng Metamask, Rabby)
*Tandaan na mataas ang fee sa pag bridge gamit ang Ethereum mainnet, mas mabuting gumamit ng L2 nerworks.
Pangatlong Hakbang:
- Piliin ang available na asset na meron ka sa iyong wallet address.
- Ilagay ang bilang na gusto mong i-bridge (Sina-suggest namin na mag-bridge ng hindi bababa sa 0.005 ETH bilang bayad sa gas)
*Ang Pike mainnet at Community Presale ay sumusuporta lamang ng aktwal na USDC. Kung ikaw ay may bridged USDC (tulad ng USDC.e), maaari mong gamitin ang DEX (tulad ng Uniswap) upang palitan ito.
Pangapat na Hakbang:
- Pindutin ang ‘Approve and proceed with transaction’ button para mag proceed ang transaction.